Travel

Gala

Gala, v. a Filipino word, which means to go around, to go somewhere, to go places, to travel.

Tara, gala?

Come, let’s go somewhere?

This “gala” category will be for all my adventure/travel posts.

Header photo info
April 22, 2017 Luneta Park, Manila
Sony a5100 | 16.0 mm F10.0 1/100 s ISO 100

Advertisements
Standard
Advocacies, Tumblr Throwback

A little unfair

Sad moment talaga. Na-hurt ako for Lolo.

Nag-stay ako sa CBTL-Rob starting around 4PM para mag-alone time. Dun ako naupo sa malapit sa door, kadikit ng glass wall, and kita ko yung nasa loob ng mall, may mga chairs pa sa labas ng shop (na inside ng mall).

May table dun sa labas ng shop, may korean/chinese (not sure, I can’t discern eh, basta foreigner), tapos may matandang artist. As in atleast 65/70 years old na siguro si Lolo. Dino-drawing niya ‘yung foreigner sa isang 1/8 illustration board. Kitang-kita mo na mahirap ang buhay ni Lolo. Although maayos naman yung damit niya, feel mo lang na ‘yung pagiging artist niya lang ang source of income niya, a very fluctuating, unsteady source of income. Napa-ngiti ako na, wow, may mga artists pa rin tayo na passionate sa work nila & even if matanda na si Lolo, yun pa rin ang ginagawa niya.

I went back to reading personal notes & stuff, bought something to drink and after less than an hour, napatingin ako ulit sa labas. Inaabot na ni Lolo yung art work niya dun sa foreigner & actually maganda yung gawa ni Lolo. Simple pero kita mong kamukha nung babae yung drawing ni Lolo. Hindi kulot yung hair sa drawing (naka-curls yung foreigner), pero appreciable naman.

Tapos AYAW tanggapin nung foreigner. As in inaabot ni Lolo, ayaw niyang kunin. Nakita ko 1K yung price, so sige medyo mahal, eh simple lang yung pagkakagawa. So pinababaan ni Lolo, signaling 500 pesos with his hands. Ayaw pa rin. Na-start akong mainis kasi, bakit ka pa pumayag na magpa-drawing, you took his time, tapos hindi mo babayaran? Hindi kaya normal yung ganung effort, and sana kahit sa awa na lang bigyan mo man lang ng bayad yung effort. Nag-signal na si Lolo ng 300 pesos. Ayaw pa rin nung foreigner. So sige, inaabot na ni Lolo yung drawing, wala nang bayad to ‘ha. Pero tinatanggihan pa rin nung babae.

Naiiyak na ko dun sa scene. Nakaka-hurt eh. Siguro factor na rin na naisip ko, ang yaman yaman niya, hindi man lang siya magbigay ng konting pera? Siguro naman pansin niyang tag-hirap si Lolo sa itsura ni Lolo diba?

Tapos as in patayo na sila, the companion of the lady convinced her na lang to take the artwork and give something. Ayun, binigyan niya ng 100 pesos, kinuha yung illus board tapos umalis. Halatang pilit pa yung paglabas niya ng pera sa pouch niya.

Gusto ko lang sanang maiyak, pero nasa coffee shop ako tapos wala akong kasama, so pinigilan ko na lang. Naisip ko, mas mahal pa yung nabili kong inumin kesa sa binayad kay Lolo, samantalang nag-effort siyang mag-drawing dun habang nakaupo lang ako nagbabasa ng Bible.

Somehow, na-hurt na rin ako dahil naka-relate ako sa pain niya. Doing something and not receiving the recognition that you deserve. Natuwa actually ako nung inaabot ni Lolo yung illustration board dun sa girl na kahit wala nang bayad basta kunin na lang niya.

Pero whyyyyy? You know you’re in this country tapos yung dumayo lang, sila pa yung mas mayaman, and nagkakandarapa yung mga taga-rito talaga para sa pera. Naka-sense lang ako ng injustice.

Maya-maya tumayo na si Lolo, and tinititigan ko siya. Kita lang sa face niya yung disappointment pero he knows na wala siyang magagawa kung hindi nagustuhan nung babae yung gawa niya.

Then, pumasok siya sa shop and lumapit sa ibang customers para i-convince na magpa-drawing sila ng sarili nila. Gusto ko sanang bigyan ng pera, pero na-realize ko rin na marami pala akong babayaran this week, plus pamasahe ko rin na pang-uwi sa Pangasinan.

I told myself, maybe someday when I earn my own money, I will provide for people like that. Papa-upuin ko sila tas papakainin ko, bibigyan ko na rin ng extrang pera. Kasi hindi naman siya ‘yung tipong inaabot lang yung kamay para humingi ng pera eh. Nagtatrabaho siya. He’s working hard, approaching random people who might be interested. He wasn’t being a parasite. Sana ganito rin ‘yung iba noh? Kahit na mahirap ang buhay, humahanap pa rin ng magandang way para humanap ng pera. Using what talent God has given him to find money and noble enough to respond properly even though people are not recognizing his efforts.

Sigh. 😥

Standard
Uncategorized

The constant discontent

Recently, I have been dealing with discontent and it has been bothering me that it creeps up on me repeatedly in a single day. It comes up at the most unpleasant moments and it makes me feel worse about the situation.

I suddenly find myself saying any of these:

  • Gusto ko rin nun. 😦
  • Bakit ba, mas kaya ko naman ‘yun ah. Kaya ko pang angatan yun.
  • Whatever. ‘Di naman ganun kaganda/kaayos yung gawa niya.
  • So? I don’t care/Wala akong pake. (When in fact, I really do.)
  • Shocks. Ang baba ko. (kahit hindi naman talaga) -____-“
  • Dapat next time mas gagalingan ko pa para mataasan/matalo/mas maganda ‘yung gawa ko sa ibang tao.

Ang selfish talaga. Nakakainis. 😐 Ayoko ng ganitong feeling kase alam kong mali. Alam kong hindi dapat ito yung nafifeel ko. Alam kong dapat makontento ako sa kung anong meron ako. Alam ko mali ‘to kase, feeling this and doing so, is like claiming that I don’t appreciate God’s gifts sa akin. Na hindi ako masaya sa ginagawa ni God sa life ko. 

This constant discontent also leads to feelings of jealousy and irritation sa mga taong object ng comparison ko. Wala naman silang ginagawang masama sa akin. Ako lang naman talaga ang nakaka-feel ng maling bagay. Kaya hindi ko dapat hinahayaang manalo ‘tong nararamdaman ko over me. I shouldn’t be letting these negative feelings take over my life. These should not have the power to influence my actions. 

God, help. Help me overcome. Help me get through. Help me stand firm in faith. Help me. Lead the away out of these dark emotions. Lead the way, God.

Standard
Uncategorized

Nakakainis ‘yung sobrang dami niyang ipaparamdam sa’yo tapos bigla-bigla na lang siyang maglalaho na parang walang nangyari. Parang ilang araw lang ‘yung lumipas tapos nawala na lahat, nakalimutan na niya lahat ng mga sinabi niya sa’yo. Tapos maguguluhan ka na lang dahil pakiramdam mo ang tanga tanga mo dahil naniwala ka, dahil nahulog ka ulit kahit sinabi mo na sa sarili mong papatayin mo na lahat ng nararamdaman mo para dun sa tao. Kaso nabigo ka, tapos siya masaya pa rin. Nakakainis. Ang daya-daya.

Quote